Huwebes, Agosto 27, 2015

KALIKASAN

 
Madalas itinuturo sa paaralan ang kahalagahan ng likas na yaman natin ngunit ano nga ba ang kalikasan noon at nagayon?

Kung ikukumpara natin ang kalikasan noon at ngayon, mapapansin natin ang ilang pagbabago na nagaganap sa ating kapaligiran.Noon ang kalikasan natin ay sagana sa mga likas na yaman, maraming puno, sariwang hangin, magandang kapaligiran, tanawin at malinis na dagat at ilog.Pero ngayontayo ay namumuhay wsa isang kalikasan na animoy bangungot na kikitil sa sanlibutan at walang buhay na kapaligiran.Pansinin ninyo an gating ilog, dibat napakarumi na nito? Ang mga mapangabusong tao ay ginagawang tapunan ng mga basura an gating ilog! Yan ang kasalukuyang kalikasan na ginagalawan natin ngayon.

Ano ba ang nararapat nating gawin upang kalikasan natiy maibalik sa dati nitong ganda? Pagsunod sa batas na dapat nating sundin ang sinuman upang kalikasan natiy maibalik sa I nitong anyo at ganda!
Pahalagahan natin ang kalikasan, at pahalagahan ang bawat natitirang likas na yaman ng ating bansa! Dahil ang labis na pang aabuso sa ating kalikasan ang siyang magiging sanhi ng pagka wasak at pagka wala ng mga likas na yaman. Iligtas natin an gating kalikasan, ingatan natin ito dahil ito ang magiging susi ng pag asenso n gating bansa.


 
Pero paano tayo makakatulong sa ating kalikasan kahit sa maliit na paraan lang? Maraming paraan, bukod sa pag tatanim ng puno, pagbabasa tungkol sa kalikasan at ang walang kamatayang Reduce Reuse Recycle. Magbibigay ako ng mga paraan para sa ikabubuti ng ating inang bayan.
Sumakay ng bisikleta, lalo na kung malapit lang ang pupuntahan o para maiwasan ang mahal na paniningil ng mga drayber ng tricycle at para makabawas sa pollusyon. Bonus na dito ang pagkakaroon ng malusog na pangangatawan. O diba? Malusog ka na nakatulong ka pa sa ating inang kalikasan.
Kumanta ng mga awitin tungkol sa kalikasan at bayan “Wala ka bang napapansin sa iyong mga kapaligiran kay dumi na ng hangin pati na ang mga ilog natin”, kanta ito ng Asin at isa na siguro sa pinakasikat na kanta tungkol sa kapaligiran. Naniniwala ako na sa pamamagitan ng pagkanta maipaparating natin ang mensahe na dapat nating  alagaan ang kalikasan para sa ating inang bayan.


Maki isa tayo sa pagtuturo tungkol sa kapaligiran, may trabaho ka man o wala, propesyonal o hindi, bata at matanda pwede mag turo sa kapwa niya. Sa simpleng pag babawal sa mga walang disiplinang durara at nagtatapon ng basura kahit saan tulong narin iyon. Maki bahagi sa mga seminar o sumali sa mga gawaing pagsulat at paguhit gaya ng paggawa ng poster at sanaysay. Maari din tayong sumali sa mga organisasyong nagaalaga ng ating inang kalikasan.
Hindi ko inaalam ang petsa sa araw araw kung hindi naman kinakailangan kung mapapansin niyo nga aking mahal na guro ang mga papel ko ay mga walang petsa dahil di ko naman tlga ito inaalam pero bukod sa aking kaarawan at ilang mahahalagang petsa, ito ang petsang hindi ko makakalimutan. Septyembre 26, 2009 isa ako sa mga biktima ng bagyong Ondoy at nasalanta ang maraming tao sa ating inang bayan.
Doon ako naliwanagan na kapag kalikasan na ang gumanti, malupit ito at delikado masama pa maari pa natin itong ikamatay. Bawat isa sa atin ay may tungkulin na dapat gawin sa ating bayan kahit anong maitutulong mo maliit man o malaki ay maituturing mo ng pinaka magandang nagawa mo sa buong buhay mo. Hindi ako makakalikasan pero isa akong alagad ng ating inang kalikasan.